Ang mga sumusunod ay mga batayan na palatandaan na kailangang ng agarang kaliksihan ;
1.)Pagkawala ng ispiritual na pagkagutom sa Diyos:
Katulad din sa taong may sakit, sya ay nawawalan ng gana, ito rin ang unang mangyayari sa taong nasa ilalim ng ispiritual na pagatake.
Hindi sila gutom sa mga bagay ng Panginoon. Ayaw nilang dumalo sa Iglesya , ayaw nilang manalangin, ayaw nilang magbasa ng Biblia,sa madaling salita wala silang pakialam sa Paginoong Jesus sa mga sandali yaon. Gusto nila ang Panginoong Jesus ; pero para sa kanila ang Panginoon ay pumapang-apat lamang at hindi nangunguna sa kanila buhay.
Sa simula pa lamang ,ang ating pagkagutom sa ispiritual ang unang inaatake ng ating kaaway, kinakailangan natin itong protektahan sa anumang paraan. Ayon sa Mateo 5:6, "Blesses are they which do hunger and thirst after righteousness: for they shall be filled.
Kung hindi tayo magugutom at mauuhaw sa ating Diyos at sa Kanyang katangian bilang Diyos, walang magpupuno. Ang isang sisidlan na walang laman ay malalagyan ito ng -- kabutihan o kasamaan. Mamili tayo na maipagtaggol ng ating Panginoong Jesus at ang salita nya ang gumawa at managana sa ating buhay.
Kahit hindi mo gusto na magbasa ng Biblia, kunin mo at basahin pa rin ito. Ang biblia ay buhay kahit na pakiramdam mo ay patay. Ang nakasulat na salita ng Diyos ay isa sa iyong sandata sa pakikipaglaban. Matutuhan nating hugutin ito at pakainin ang iyong sarili upang sa ganun maalalayan ang buhay sa loob ng bawat isa. Ang isang natural na militar ay hindi laging nagugustuhan ang pagkuha ng kanilang mga baril at pagkakalas-kalasin ito upang linisin at maibalik sa dating nitong kinalalagyan. Pero alam ng mga at nauunawaan nila na ang kanilang sandata ay makapagliligtas ng kanilang buhay sa pakikipagdigma. Ang katotohanang ito ay katulad din sa salita ng Panginoon. Hindi mo man laging nararamdamang magbasa o wala kang gana, na magsaliksik dito upang ikaw ay maiayos at malinis; pero ito ay iyong pananggalang at kalasag sa ispiritual na pakikipaglaban o pakikipagdigma.
Kung ang pagnanasa o pagnanais mo sa Panginoong Jesus ay mawala , ito ang magiging daan ng kaaway na diablo.
Nakakita na ba kayo ng isang taong napakainit sa paglilingkod sa ating Panginoon at biglang nawala na lamang na parang bula? Paanong nangyari na ang isang taong ganun na lang kasigasig at kasipag ay bigla na lamang tumalikod?
May kilala ba kayong isang tao na grabeng magparamdam ng kanyang kalayaan sa pagpuri at pagsamba ay bigla na lamang natigil at nanlamig?
Ang kaaway na diablo ay naipanalo o naigupo ang kanilang gutom at pagnanasa sa ating Panginoon at gayon na lamang nawala ang kanilang pagganyak o pang-udyok (motivation). Ang ispiritual na pagkagutom ay naguudyok upang magpatuloy sa ating Panginoon, katulad ng ating pagkagutom na pisikal na naguudyok sa ating kumain. Ang ispiritual na pagkagutom ay isang natamo o nakuhang lasa. Ito'y umaalalay sa buhay.
Ang mga taong mahilig sa alak ay nakuha nila ang panlasa dito. Walang paraan na ang isang tao ay gusto lang uminom ng alak.Nilalansi nila ang kanilang mga sarili upag magpatuloy sa paginom nito hanggang sa makuha nila ang lasa at ang pagnanasa sa alak. Hanggang sa hinahanap-hanap na nila ang alak at hindi na mabubuhay kung wala ito.
Ang ispiritwal na pagkagutom ay ang nakuhang pagnanasa at panlasa din.
Paano ka magkaroon ng ispiritual na pagkagutom? Paano mo mapanatili ang ispiritual na pagkagutom? Magaan o Simple lang. Hindi ito laging madali pero ito'y magaan lang. Maglakad ka sa bahay ninyo o di kaya'y sa kuwarto at gawin ninyo ang mga sarili na gutom sa Panginoon. Sabihin ninyo sa inyong labi, " Gusto ko pa ng karagdagan o higit pa patungkol Saiyo, Panginoon." Kahit ang isip mo'y nagsasabing ng , " Hindi mo na kailangan,"sabihin mo ,"OO kailangan ko pa. Manahimik ka."
Sa ganitong paraan natutunan mong makipagusap sa iyong sarili at ganun din masasabi mo sa iyong sarili kung papaano mag-isip. Kaya ganito ang paraan kung papaano mo kontrolin o pigilin ang iyong isip at turuan na umayon sa salita ng ating Panginoon.
Ang Diyos ay hindi makagamit ng iba na nahahati ang kanilang mga sarili. Kung ang iyong kaisipan ay nagiisip na magluto para sa hapunan, at ang iyong katawan ay gumagawa ng iba-- at sa buong magdamag ikaw ay nananalangin , ito ay nahahating panalangin. Ang masidhi o madamdaming pananalangin na gumagawa ng mga bunga ay ang isang kaisipan na sumasang-ayon, ang kanyang katawan ay nalulupig o natatalo at ang ispiritu ang magaakay o maghahatid sa kanilang lahat. Mahalaga na pagisahin mo ang ispiritu,kaisipan at katawan. Ang ganoong pananalangin ay magkakaroon ng bunga o resulta. Ganoon ang pananalangin ng isang matapat at banal na tao.
Kung ikaw ay nasa ilalim ng pagatake ng kaaway na diablo, mahalaga na gutumin mo ang iyong sarili sa mga bagay patungkol sa Panginoon. Isipin mo ang mga oras na ikaw ay nagkasakit at ayaw mong kumain o tumikim man lamang ng pagkain. Ano ang unang ginagawa ng isang taong nag-aalaga o nag-iingat sayo? Inilalagay nila ang pagkain sa harapan mo at sasabihing, "kumain ka."
May pagkakataong sasabihin mo na ," ayaw kung kumain.Hindi ako gutom." Ang sasabihin naman nila. " Wala akong pakialam. Kainin mo yan." Bakit? Dahil alam nila na ang sustansya sa mga pagkain ay makapagbibigay sa iyo ng kalakasan sa pangangatawan at tumutulong na mapagtagumpayan ang karamdamang pisikal.
Ito ay katulad din sa pagpapasakop sa ating ispiritu. Kung ikaw ay nasa ilalim ng apoy ng kaaway na diablo, hindi ito ang oras na tumigil sa pagadalo sa gawain o maging sa iglesya man. Hindi ito ang oras na tumigil sa pagbabasa ng Salita ng Panginoon at pag-amin o pagkilala at pananalangin. Hindi ito ang oras na tumigil sa paggawa sa Panginoong Jesus. Kung hindi, ito ang oras na magningas at magainit !!
Dapat nating maunawaan na ang layunin ng kaaway ay ang maalis sa iyo ang ispiritual na pagnanasa o kagustuhan sa ating Panginoong Jesus. Kung ika'y magpapadala , matatabunan ka. Ang iyong antas sa kaalaman ng Kanyang salita, ang iyong antas sa pananalangin, at sa mga taong nakapaligid saiyo na may mataas na antas ng pananampalataya o katulad ng pananampalataya ay makakatulong saiyo na mapagtagumpayan ito. Kailangan mong lumapit sa mga taong magbibigay saiyo ng buhay at kalakasan kung ikaw ay nasa pakikipaglabang ispiritual. Huwag kang makisama sa mga taong "patay na tiyempo", na ibig sabihin ay ang mga taong wala sa hulog, mga negatibong tao, walang buhay, mga mahahalay at malalaswang tao sa isip at gawa. At ang pinakamahalaga, ay ang huwag mong ihiwalay o ibukod ang iyong sarili. Maghanap ka ng taong mapanariwa,mga taong binubuhay yung magagangang kabutihan na nagawa sa kanila ng ating Panginoong Jesus. Maghanap ng isang taong may init at sigasig o sipag para sa ating Panginoon. Ang kanilang impluwensya ay makakatulong upang bumalik ang iyong kalakasan at katatagan sa oras ng pangangailangan o sa kabagabagan na sitwasyon. Ang sabi ng Biblia ay ang mabuting kaibigan ay ang magpapatalas sa iyo. (Kawikaan 27:17)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento