"Ako'y hahanapin ninyo't masusumpungan kung buong puso ninyo akong hahanapin."
PAANONG MAKIKILALA ANG DIOS
Kung paanong si Abraham ay naging "kaibigan ng Dios" dahil siya'y nagpasakop at sumunod sa Dios, ikaw man ay maaaring makaranas ng kaawaan, kapayapaan at pagpapala ng Dios. Ang pagkakilala sa Dios dala ng tunay na pagpapasakop at pagtitiwala sa Kanya ay siyang pinakamahalagang karanasan sa buhay. Tunay na kahanga-hanga ang katotohanan na inihahayag ng Dios ang Kanyang sarili sa lahat ng humahanap sa Kanya nang taos sa puso.
Kung lilisanin mo ang paglakad sa sarili mong landas, at kung tunay na magpapasakop ka sa Dios, titira sa iyo ang Kan-yang Banal na Espiritu. Walang makapaghihiwalay sa iyo mula sa Kanyang pag-ibig habang nagtitiwala ka sa Kanyang mga pa-ngako at sinusunod mo Siya nang ganap. Siya ang magiging Dios mo, at ikaw'y magiging tunay na Kanya. Makikita mo na ikaw'y tinubos Niya sa napakalaking halaga, at ang ibig Niya'y mag-karoon ka ng kaugnayan sa Kanya—ngayon at magpakailan man.
Idalangin mo na nawa'y bigyan ka Niya ng pang-unawa habang pinag-aaralan mo ang aklat na ito na binubuo ng piling mga talata o sitas mula sa Biblia, na siyang Salita ng Dios. Pinatnubayan ng Dios ang mga sumulat ng mga salitang napapa-loob dito, at iningatan Niya ang Kanyang Salita sa loob ng libu-libong taon, sa kabila ng pagsisikap ng Diablo na ito'y mawala.
IISA LAMANG ANG TUNAY NA DIOS — 1
"Si Yahweh lamang ang Dios. Ibigin ninyo Siya nang buong puso, kaluluwa at la-kas." —Deuteronomio 6:4, 5
"Akong si Yahweh lamang ang inyong Dios, walang ibang Dios na maaaring umangkin sa Aking kaningningan...."—Isaias 42:8
...Malalaman ng lahat na Dios si Yahweh, at liban sa Kanya'y wala nang iba.—1 Hari 8:60
...Ang Dios...ang may sabing, "(Ako)...lamang ang Dios at wala nang iba pa."—Isaias 45:18
"...Manalig ka sa Akin, walang ibang dios na una sa Akin, ni mayroon pa mang iba na darating...."—Isaias 40:10
"...Lumapit kayo sa Akin at kayo ay maliligtas.... Walang ibang dios maliban sa Akin."—Isaias 45:22
ANG DIOS AY MAHABAGIN AT MAIBIGIN — 2
"...Mahabagin (ang) Dios... kung umibig (ay) lubos.... Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ay di kaya, gayon ang pag-ibig ng Dios sa may takot sa Kanya." —Awit 103:8, 11
...Pag-ibig ng Dios ay tunay na walang hanggan.... —Awit 103:17, 18
Ang hindi nagmamaliw na pag-ibig ni Yahweh...at wa-lang kupas na kahabagan. Hindi nagbabago.... —Panaghoy 3:22, 23
Wala nang ibang Dios na tulad Mo. Pinatatawad Mo ang mga kasalanan.... —Mikas 7:18
...Hindi nawawala ang Kan-yang pag-ibig. —Panaghoy 3:32
Siya ay mabuti...ang pag-ibig Niyang dulot ay tunay na walang hanggan.—1 Cronica 16:34
...Alam kong Kayo'y Dios na mahabagin at mapagpala....—Jonas 4:2
MAHAL KA NG DIOS — 3
"...Sa simula pa'y inibig Ko na sila, at patuloy Kongipi-nagmamalasakit." —Jeremias 31:3
"...(Ang) mga panukalang inihahanda Ko (ay) para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap." —Jeremias 29:11
...Iyong iniligtas ang buhay na ito.... Pinatawad Mo... sa...mga kasalanan. —Isaias 38:17
Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon Siya nahahabag sa may takot sa Kanya. —Awit 103:13
...Sinampalatayanan natin ang pag-ibig ng Dios sa atin.... Kaya tayo nagmamahal ay dahil Siya ang unang nagmahal sa atin. —1 Juan 4:16, 19
O Dios, yaong pag-ibig Mo'y mahalaga at matatag.... —Awit 36:7
HIGIT NA MABUTI ANG MAKAKILALA SA DIOS — 4
...Maninindigan ang mga kumikilala sa Dios at sila'y magtatagumpay. —Daniel 12:32
"Kung may ibig magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang pagkakilala't pagkaunawa sa Akin, sapagkat Ako...ang gu-magawa ng kabutihan, kataru-ngan, at katwiran...."—Jeremias 9:24
Mapalad ang sumusunod sa Kanyang kautusan, buong puso ang pagsunod sa utos na ibinigay.... —Awit 119:2
...Piliin ninyo ang buhay.... Ibigin ninyo si Yahweh, ma-kinig sa Kanyang tinig at ma-natiling tapat sa Kanya.... Sa gayon, mabubuhay kayo nang matagal.... —Deuteronomio 30:19, 20
Kung paanong yaong batis ang hanap ng isang usa; gayon hinahanap ang Dios ng uhaw kong kaluluwa. —Awit 42:1
KAMATAYAN ANG PAGKAHIWALAY SA DIOS — 5
Kung inyong itatakwil (si Yahweh), itatakwil din Niya kayo. —2 Cronica 15:2
...Kapag hindi kayo su-munod sa Kanya, bakus ay lumabag sa Kanyang utos, pa-rurusahan Niya kayo. —1 Samuel 12:15
May daang matuwid sa ti-ngin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito. —Kawikaan 16:25
Hindi pinatawad ng Dios ang mga anghel na nagkasala, kundi itinapon Niya sa im-piyerno.... —2 Pedro 2:4
"Ang hindi nananatili sa Akin ay natutulad sa isang sa-ngang itinatapon at natutuyo.... at inihahagis sa apoy." —Juan 15:6
...Wawasaking lubos ang masama, lahi'y lilipulin sa balat ng lupa. —Awit 37:38
KAILANGANG HANAPIN NATIN ANG DIOS — 6
"Ako'y hahanapin ninyo't masusumpungan kung buong puso ninyo Akong hahanapin."> —Jeremias 29:13
"Kung...parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto na iyong dudulangin.... Matatamo ang unawa tungkol sa Akin." —Kawikaan 2:4, 5
...Ang layon Niya ay upang hanapin nila at masumpungan ang Dios, bagamat hindi Siya malayo sa kaninuman.... —Mga Gawa 17:27
"Humingi kayo at kayo'y bibigyan. Maghanap kayo at kayo'y makakasumpong...." —Mateo 7:7
Hindi maaaring malugod ang Dios sa kanino man na walang pananampalataya...ang dumu-dulog sa Dios ay kailangang sumampalatayang ang Dios ay buháy.... —Hebreo 11:6
IBIG NG DIOS NA LUMAPIT TAYO SA KANYA — 7
...Mahabagi't mapagmahal si Yahweh at di kayo itatakwil kung kayo'y manunumbalik sa Kanya. —2 Cronica 30:9
"...Hinding-hindi Ko tatang-gihan ang sinumang lumalapit sa Akin." —Juan 6:37
Mapagpatawad Ka at napa-kabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang Iyong pag-ibig ay mananatili. —Awit 86:5
Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa si-numang taong pagtawag sa Kanya'y tapat at totoo. —Awit 145:18
"Halikayo...gaano man ka-rami ang inyong kasalanan, handa Akong ipatawad ang lahat ng iyan. Kahit na kayo'y maruming-marumi...kayo'y magiging busilak sa kaputian."—Isaias 1:18
ANG DIOS AY BANAL — 8
...Sinong mga dios ang Iyong kamukha? Sinong ka-mukha Mo na ang kabanalan ay kahanga-hanga? —Exodo 15:11
"Sino ang di matatakot at di magpupuri sa Inyong panga-lan, O Panginoon?.... Kayo la-mang ang banal."—Kapahayagan 15:4
Kayo lamang ang banal, Yahweh. Walang makatutulad sa Inyo. —1 Samuel 2:2
...Ang Dios ba'y mabubuyo sa gawaing linsil? —Job 34:10
"Banal, banal, banal si Yah-weh na Makapangyarihan; ang Kanyang kaningninga'y laga-nap sa sanlibutan."—Isaias 6:3
"...Walang mabuti maliban sa Dios." —Mateo 10:18
Bawat isa'y magpupuri sa dakila Niyang ngalan, banal Siya't pupurihin ang pangalan Niyang banal. —Awit 99:3
KAILANGAN ANG BANAL NA PAMUMUHAY — 9
Sumasampalataya kang may iisang Dios?... ang mga de-monyo man ay "sumasampa-lataya" rin, at nanginginig pa nga sa takot! Walang saysay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.... —Santiago 2:19, 20; 1:22
Sa gawaing masama, si Yahweh ay namumuhi, ngunit Kanyang minamahal ang sa matuwid ay lumalagi. —Kawikaan 15:9
Ang...nagsasabing "Kilala ko Siya," subalit hindi... sumu-sunod sa Kanyang mga utos, ay sinungaling.... Ang hindi guma-gawa ng matuwid ay hindi anak ng Dios. —1 Juan 2:4; 3:10
Makipamuhay kayong mapa-yapa sa lahat..., sa buong ka-banalan.... Ang hindi banal ay hindi makakakita sa Pangi-noon. —Hebreo 12:14
Magpakabanal kayo sa lahat ng paraan. —1 Pedro 1:15
MGA BAGAY NA INIUUTOS NG DIOS — 10
...Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong ibigin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang su-munod sa...Dios. —Mikas 6:8
"Magpakabanal kayo sa-pagkat Akong si Yahweh ay banal." —Levitico 19:2
"Ibigin mo ang...Dios nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong pag-iisip. At ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili." —Lucas 10:27
"...Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng hindi totoo, huwag kang mandadaya, igalang mo ang iyong ama at ina...." —Marcos 10:19
"Manampalataya kayo sa Dios." —Marcos 11:22
MGA BAGAY NA KINASUSUKLAMAN NG DIOS — 11
Ang kinamumuhian ni Yah-weh ay pitong bagay...: kapala-luan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasala-nan, pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasa-maan, saksing sinungaling, ma-paglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa.... —Kawikaan 6:16-19
"Ako'y namumuhi sa... pang-aalipin.... —Isaias 61:8
"...Ang mga duwag...taksil ...marurumi...mamamatay-tao, malalaswa...manggaga-way...sumasamba sa mga dios-diosan, at lahat ng sinungaling, ay mapupunta sa dagat ng apoy at asupre." —Kapahayagan 21:8
"...Galít Ako sa mga sinu-ngaling, marahas at mapang-api." —Zacarias 8:17
"Nasusuklam ako sa naghi-hiwalay (ng mag-asawa)...." —Malakias 2:16
HINDIMAGAWA NG TAO ANG IBIG NG DIOS — 12
Kung sinusunod man ng tao ang buong Kautusan, at isa la-mang ang sinusuway niya—nilalabag pa rin niya ang bu-ong Kautusan. —Santiago 2:10
Kung alam ng tao ang dapat niyang gawin, ngunit hindi naman niya ginagawa, siya'y nagkakasala. —Santiago 4:17
Ang...hindi umiibig sa kan-yang kapatid ay hindi anak ng Dios. —1 Juan 3:10
"...Walang mabuti kahit isa." —Roma 3:10
...Ang lahat ay nagkasala at kapos sa karangalang taglay ng Dios. —Roma 3:23
Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. —Isaias 53:6
"Sino ang makahaharap kay Yahweh, sa banal na Dios?" —1 Samuel 6:20
DI MAKALULUGOD SA DIOS ANG MGA GAWA NATIN — 13
...May malasakit sila sa Dios; kulang nga lamang...ng kaa-laman.... Sa kanilang kamang-mangan...at dahil sa pagsisikap nilang maging katanggap-tang-gap sa Dios sa pamamagitan ng sarili nilang magagawa, hindi sila nagpasakop sa kabanalan ng Dios. —Roma 10:2, 3
Ang lahat sa ami'y pawang nagkasala, ang aming katulad kahit anong gawin ay duming di hamak. —Isaias 64:6
...Ang nasasakop pa ng ma-kalamang kaisipan ay hindi ki-nalulugdan ng Dios. —Roma 8:8
...Hindi maaaring maging katanggap-tanggap sa Dios ang sinuman sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan.... —Roma 3:20
...Walang nagiging katang-gap-tanggap sa Dios sa pama-magitan ng pagtupad sa Kautu-san. —Galacia 3:11
INIHIHIWALAY TAYO NG KASALANAN SA DIOS — 14
Pumasok ang kasalanan sa mundo...at pumasok ang ka-matayan dahil sa kasalanan. Kaya namamatay ang lahat ng tao.... —Roma 5:12
Kapag nagkabunga na ang pagnanasa, nagsisilang iyon ng kasalanan. At ang kinauuwian naman ng kasalanan ay ka-matayan. —Santiago 1:15
Ang nagkasala ang dapat mamatay.... —Ezekiel 18:20
Ang sala mo ang nagiging dahilan kaya di marinig ang dalangin mo.... —Isaias 59:1
...Bakit ninyo nilabag ang mga utos ni Yahweh?...Sa-pagkat itinakwil ninyo Siya, itatakwil din Niya kayo. —2 Cronica 24:20
"Tatalikdan Ko...sila dahil sa pagsamba nila sa mga dios-diosan." —Deuteronomio 31:18
GALIT ANG DIOS SA KASALANAN — 15
Ikaw ang Dios...na ma-tapat, laging handang mag-parusa sa sinumang gawa'y linsad. —Awit 7:11
...Tiyak na parurusahan Niya ang sinumang magkasala. —Nahum 1:3
Ipinakikita ng Dios mula sa langit na Siya'y galít sa lahat ng kasamaan at kalikuan ng mga taong pumipigil sa kato-tohanan.... —Roma 1:18
...Ang buhay nila'y nag-uumapaw sa kalikuan...kasa-kiman, at masamang hangad.... inggitan, patayan, pagdadaya-an.... Mapanirang-puri sila, mapaglapastangan, namumuhi sa Dios, walang-galang, palalo at mayabang...masuwayin sa magulang, walang-budhi, tak-sil, walang-puso, at walang-habag.... Kamatayan ang hatol ng Dios sa mga gumagawa ng gayon.... —Roma 1:29-32
MAY PAGHUHUKOM NA DARATING — 16
...Itinakda sa mga tao ang mamatay nang minsan at pag-katapos ay ang paghuhu-kom.... —Hebreo 9:27
...Nakita ko ang mga patay ...sa harap ng trono. Binuksan ang mga libro.... Hinatulan ang mga patay...ayon sa mga gina-wa ng bawat isa.... Itinapon sa dagat ng apoy ang lahat ng hindi nakasulat ang pangalan sa Aklat ng Buhay. —Kapahayagan 20:12,15
Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Dios na buháy. —Hebreo 10:31
Lahat ng gawin natin...ay isusulit natin sa Dios. —Mangangaral 12:14
"...Sa wakas.... darating ang mga anghel at ihihiwalay nila ang masasamang tao sa matu-tuwid. Ihahagis nila sa apoy ang masasama...." —Mateo 13:49,50
HINDI TAYO MAKAPAGTATAGO SA DIOS — 17
Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar; ang masama at mabuti ay pawang minamasdan. —Kawikaan 15:3
Ako'y Iyong sinisiyasat, ba-tid Mo ang aking buhay; ang lahat kong lihim...ay tiyak Mong nalalaman. Ang lahat ng gawain ko, sa Iyo ay hindi li-ngid; kahit Ikaw ay malayo, batid Mo ang aking isip.... Lahat ng gawain ko'y...Iyong nalalaman.... —Awit 139:1-3
"Nakikita Ko ang lahat.... hindi nalilingid sa Aking pa-ningin ang kanilang mga ka-salanan." —Jeremias 16:17
Walang nilalang na natatago sa Kanyang paningin. Lahat ay hubad at lantad sa paningin ng Dios.... —Hebreo 4:13
...Kanyang nakikita; di mai-lilihim ng tao ang taglay na sala. —Job 34:22
KAILANGANG TALIKDAN ANG KASALANAN — 18
"Hindi Ko ikinasisiya ang kamatayan ng masama.... Ang ibig Ko nga, siya'y...magba-gong buhay." —Ezekiel 18:23
...Lumapit kayo kay Yah-weh at sabihin ninyo, "Pa-tawarin Mo na kami. Kami'y Iyong kahabagan at taggapin." —Oseas 14:2
"...Kayo man ay mapapaha-mak din...kung hindi ninyo tatalikdan ang kasalanan." —Lucas 13:3
"...Mataimtim kayong mag-sisi.... Magsisi kayo nang taos sa puso... magbalik-loob kayo...." —Joel 2:12, 13
Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti; ngu-nit kahahabagan ng Dios ang nagbabalik-loob at nagsisisi. —Kawikaan 28:13
"...Magsisi nga kayo't tu-malikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa." —Ezekiel 18:30
PINATATAWAD ANG NAGSISISI — 19
Ang mga gawain ng...ma-sama'y dapat nang talikdan, at ang mga liko'y dapat magbago na ng maling isipan; sila'y ma-numbalik, lumapit kay Yahweh upang kahabagan, at mula sa Dios matatamo nila ang ka-patawaran. —Isaias 55:6, 7
"...Tatalikdan nila ang kani-lang masamang pamumuhay. At ipatatawad Ko naman ang kanilang kasamaan at mga kasalanan." —Jeremias 36:3
Ako ay lumapit...at sala'y inamin, ang aking ginawang pagsalansang di ko inilihim.... At aking natamo ang iyong patawad.... —Awit 32:5
Kung ipahayag natin ang ating mga kasalanan...tayo'y patatawarin...at lilinisin sa lahat ng kasamaan. —1 Juan 1:9
Ang pagsisisi ay pagtatapat ng kasalanan at pagtalikod dito.
KAILANGAN ANG HANDOG PARA TAYO MALIGTAS — 20
(Ikumpara ito sa pahina 7)
"...Ang buhay ay nasa dugo at iniuutos Ko na dapat ihan-dog iyon sa dambana bilang pantubos sa inyong buhay. —Levitico 17:11
Ayon sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis ng dugo. At malibang tumulo ang dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan. —Hebreo 9:22
"Kailangang ang kordero ay ...walang...kapintasan.... La-lampasan Ko ang lahat ng ba-hay na...may pahid na dugo, at walang pinsalang mangyaya-ri sa inyo...." —Exodo 12:5, 13
"Ama.... nasaan ang korde-rong ihahandog?..." May nakita siyang lalaking tupa.... Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog kapalit ng kanyang anak. —Genesis 22:7-8, 13
SI JESUS ANG KORDERONG IBINIGAY NG DIOS — 21
...Nakita ni Juan si Jesus... at sinabi niya: "Masdan ninyo ang Kordero ng Dios, na nag-aalis ng kasalanan ng san-libutan!" —Juan 1:29
...Sa Kanya (ipinataw) ang parusang tayo ang dapat tu-manggap. Siya ay binugbog at pinahirapan...tulad ng korde-rong hatid sa patayan. —Isaias 53:6, 7
...Hindi dugo ng kambing o guya ang Kanyang dala, kundi ang sarili Niyang dugo.... natubos na Niya tayo nang magpawalang-hanggan.... Min-san lamang Siya dumating...upang pawiin na ang kasalanan sa pamamagitan ng pagha-handog ng Kanyang sarili. —Hebreo 9:12, 26
Ang ipinantubos sa inyo...ay ...ang mahalagang dugo ni Cristo na tulad ng isang mun-ting tupang walang dungis o kapintasan. —1 Pedro 1:18, 19
SA DIOS LAMANG NAGMULA ANG KATUBUSAN — 22
Lahat ay pinawawalang-sala dahil...sa mayamang awa ng Dios...dahil sa pagtubos na ginawa ni Cristo Jesus. Ibinigay Siya ng Dios upang... mapatawad ang ating mga kasalanan.... —Roma 3:24
(Namatay) si Cristo alang-alang sa atin.... Ipinakita ng Dios ang Kanyang pag-ibig.... Pinawalang-sala...tayo sa pa-mamagitan ng Kanyang du-gong nabuhos.... —Roma 5:8, 9
"...Tatanggap ng kapatawa-ran ang lahat ng magpapa-sakop sa Kanya. —Mga Gawa 10:43
Walang ibang makapaglilig-tas...ang Kanyang pangalan lamang ang ibinigay upang magligtas sa mga tao sa ibabaw ng lupa. —Mga Gawa 4:12
Sa Kanya tayo may katubu-san sa pamamagitan ng Kan-yang dugo.... —Efeso 1:7
IPINAHAYAG ANG PAGSILANG NI JESUS — 23
Isinugo ng Dios si Anghel Gabriel...sa isang dalagang ang pangalan ay Maria.... Si-nabi ni Gabriel.... "Sumasaiyo ang Panginoon." Nagulat si Maria.... Sinabi...ng anghel, "Huwag kang matakot...sa-pagkat kinalulugdan ka ng Dios. Maglilihi ka at magsi-silang ng isang Sanggol na la-laki, at Jesus ang itatawag mo sa Kanya.... Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng kataa-taasang Dios. At ibibigay sa Kanya ng...Dios ang trono ng Kanyang ninunong si Da-vid.... Magiging walang kata-pusan ang Kanyang kaharian."..."Ngunit paano akong ma-nganganak? Dalaga pa ako!" Sumagot ang anghel, "Sasa-iyo ang Espiritu Santo.... Kaya ang banal na Sanggol na isisi-lang mo ay tatawaging Anak ng Dios."
Sumagot si Maria, "...Mang-yari nawa sa akin ang ayon sa sinabi mo...." —Lucas 1:26-38
SINONG TALAGA SI JESUS ? — 24
...Bagamat nasa anyo Siya ng Dios, hindi Niya pinang-hawakan ang mga karapatan Niya bilang kapantay ng Dios. Kundi nag-anyo Siyang alipin at nakitulad sa mga tao. At... nagpakababa Siyang lubos hanggang mamatay... sa krus. —Filipos 2:5-8
"Ako at ang Ama ay iisa...." —Juan 10:30
...Nang paparitó na si Cristo sa mundo, sinabi Niya: AHindi handog o hain ang Iyong nais, kundi ipinaghanda Mo Ako ng isang katawan." —Hebreo 10:5, 6
...Pinatunayang...Siya ang makapangyarihang Anak ng Dios...nang Siya'y ibangong muli mula sa kamatayan. —Roma 1:4
Sumagot si Tomas, "Pangi-noon ko at Dios ko!" —Juan 20:28
SINONG TALAGA SI JESUS? — 25
...Naparito Siya sa anyong tao; pinatunayang matuwid sa Espiritu; nakita ng mga ang-hel; ipinangaral sa mga bansa; sinampalatayanan sa mundo; umakyat sa langit. —1 Timoteo 3:16
...Kay Cristo tumatahan ang buong kapuspusan ng Dios.... —Colosas 2:9
...Ipanganganak ang isang sanggol na lalaki at Siya ang mamamahala sa atin. Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Dios, Walang Hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan. —Isaias 9:6
Sumagot si Jesus, "...Bago naging tao si Abraham, Ako'y Ako na!" —Juan 8:58
Sa Kanya nagmula ang buhay.... Siya na lumalang sa mundo—subalit hindi Siya na-kilala ng mundo. —Juan 1:4, 9-10
...Iisa ang Dios at iisa ang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao—walang iba kundi ang Taong si Cristo Jesus.... —1 Timoteo 2:5
ANG BIBLIA (KASULATAN) ANG SALITA NG DIOS — 26
...Hindi sa kagustuhan ng tao nagmula ang Kasulatan, kundi ang naglahad ng Salita ng Dios ay mga lalaking banal na may udyok ng Espiritu Santo. —2 Pedro 1:21
...Ang mga nasulat noong unang panahon ay nasulat para magturo sa atin, upang maging matibay tayo, at upang magka-roon tayo ng pag-asa.... —Roma 15:4
Lahat ng Kasulatan ay sa Dios galing at napapakinaba-ngan sa pagtuturo, pagsaway, pagtutuwid at pagsasanay sa kanalan upang maging ganap ang lingkod ng Dios.... —2 Timoteo 3:16
..."Nagkakamali kayo dahil mangmang kayo tungkol sa Kasulatan at sa kapangyarihan ng Dios." —Mateo 22:29
SI JESUS ANG SALITA NG DIOS — 27
Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. ang Salita ay kasama ng Dios, at ang Salita ay Dios.... Naging Tao ang Salita at nakipamuhay sa atin sa lupa. —Juan 1:1, 14
Wala pang nakakita sa Dios Ama kahit kailan, subalit ipi-nakilala Siya sa atin ng Dios Anak. —Juan 1:18
Ang Dios na nagsabing "Magkaroon ng liwanag sa gitna ng kadiliman" ay siya ring tumanglaw sa aming puso upang makita namin ang Kan-yang kaluwalhatian.... —2 Corinto 4:6
Noong unang panahon, nag-salita ang Dios...sa iba't ibang pagkakataon at sa sari-saring paraan.... At sa mga huling araw na ito ay nagsalita naman Siya sa pamamagitan ng Kan-yang Anak.... —Hebreo 1:1, 2
ANG SALITANG BUHAY AT SALITANGNAKASULAT — 28
Ako'y hindi lumalabag sa Kautusan (Salita) ng Dios... ang Kanyang kalooban ang aking sinusunod. —Job 23:12
"...Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat salita ng Dios." —Mateo 4:4
Ang liwanag ng turo (salita) Mo'y nagsisilbing isang tang-law; nagbibigay dunong. —Awit 119:30
"Ako ang Tinapay ng bu-hay.... Ang kumain ng Tinapay na ito ay mabubuhay magpa-kailan man." —Juan 6:48-50
Sa Kanya nagmula ang bu-hay— ang buhay na itinatang-law Niya sa mga tao.... Muling nagsalita si Jesus... "Ako ang Ilaw ng sanlibutan. Ang sumu-sunod sa Akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman...." —Juan 1:4; 8:12
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral; ang utos ni Yahweh siyang binubulay sa gabi at araw; ang katulad niya'y isang punong-kahoy sa tabing batisan, sariwa ang daho't laging namumunga sa kapanahunan. —Awit 1:2-3
Manatili kayo sa Akin.... Hindi makapagbubunga ang isang sanga malibang na-kakabit sa puno. Gayon din kayo—hindi kayo maaaring mamunga kung hindi kayo ma-nanatili sa Akin. —Juan 15:4, 5
SI CRISTO ANG IPINAPAHAYAG NG KASULATAN — 29
"...Ang mga Kasulatan... ang nagpapahayag tungkol sa Akin.... Kung totoong nani-niwala kayo kay Moises, sasampalataya kayo sa Akin, sapagkat sumulat siya tungkol sa Akin." —Juan 5:39, 46
Pagkatapos, inisa-isa Niya ang mga sinulat ng propeta magbuhat kay Moises, at ipinaliwanag sa kanila ang sinasabi ng mga iyon tungkol sa Kanya. —Lucas 24:27
HINDI NAGBABAGO ANG SALITA NG DIOS — 30
Ang Salita Mo, O Yahweh, di kukupas, walang hanggan. —Awit 119:89
Ang buod ng kautusa'y salig sa katotohanan; ang lahat ng tuntunin Mo'y pawang walang katapusan. —Awit 119:160
Oo, ang damo'y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng Dios ay hindi lilipas. —Isaias 40:8
"...Hindi mapapawi ang kaliit-liitan mang bahagi ng Kasulatan hangga't hindi natu-tupad." —Mateo 5:18
"...Ang Kasulatan ay hindi maaaring mapawi." —Juan 10:35
Ang nagwawalang-bahala sa payo (ng Salita ng Dios) ay hahantong sa kapahamakan. —Kawikaan 13:13
TINUPAD NI JESUS ANG LAYON NG DIOS — 31
"...Ibinibigay Ko ang Aking buhay.... Walang makakukuha ng Aking buhay, kundi ibi-nibigay Ko nang kusang-loob...." —Juan 10:17
"Wala kayong kapangyari-han sa Akin," wika ni Jesus, "maliban sa ibinigay sa inyo mula sa langit...." —Juan 19:11
...Tinupad ng Dios ang ipinasulat Niya sa mga propeta... tungkol sa paghihirap ng Cristo.... —Mga Gawa 3:18
"...Itinakda Niyang mahu-log sa kamay ninyo si Jesus. At ipinapatay ninyo Siya sa krus sa kamay ng masasamang tao." —Mga Gawa 2:23
Sinabi ni Yahweh, "Ang Kanyang paghihirap ay kalo-oban Ko; inihandog Niya ang sarili.... —Isaias 53:10
"Hindi ba dapat talagang magdusa ang Cristo...?" —Lucas 24:26
MAY MGA SUMAKSI SA PAGKAMATAY NI JESUS — 32
May dalawang tulisang ipi-nakong kasabay Niya, isa sa Kanyang kanan at isa sa kali-wa. Natupad ang Kasulatang nagsasaad: "Napabilang Siya sa masasamang tao." —Marcos 15: 27, 28
...Nang dumating sila kay Jesus, nakita nilang patay na Siya, kaya hindi na nila binali ang Kanyang mga binti.... Sa ganito, nagkatotoo ang sina-sabi ng Biblia: "Isa man sa mga buto Niya ay hindi mababali." —Juan 19:32-37
Dumilim sa buong lupain.... Sumigaw si Jesus at pinayao ang Kanyang espiritu.... Naya-nig ang lupa at nabiyak ang malalaking bato.... Kinilabutan...ang kapitan at mga sun-dalo.... Sinabi nila, "Tunay ngang ito ang Anak ng Dios!" —Mateo 27:45, 50-51, 54
NAGTAGUMPAY SI JESUS SA KAMATAYAN — 33
"...Hindi Siya nakayang pi-gilin ng kamatayan.... Ibina-ngong muli ng Dios si Jesus, at lahat kami'y saksi niyan...." —Mga Gawa 2:24, 32
...Kinuha Niya rin sa Kan-yang sarili ang laman at dugo, upang sa pamamagitan ng... pagkamatay ay malipol Niya ang Diablo...at sa gayon ay mailigtas Niya ang mga taong ...naaalipin dahil sa takot sa kamatayan. —Hebreo 2:14, 15
"Nasaan na ang iyong ta-gumpay, Kamatayan? Nasaan na ngayon ang iyong kaman-dag?"...Salamat sa Dios dahil binibigyan Niya tayo ng ta-gumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. —1 Corinto 15:55, 57
"...Naatay Ako, subalit nabubuhay...ngayon magpa-kailan man.... (at) may hawak ng susi ng kamatayan at impi-yerno." —Kapahayagan 1:18
ANO ANG KAILANGANG GAWIN KAY JESUS? — 34
"Nakatayo Ako sa pintuan at kumakatok. Kung pagbubuksan Ako ng makakarinig, Ako'y pa-pasok...." —Kapahayagan 3:20
...Ang taong hindi gumaga-wa kundi sumasampalataya lamang sa Dios...ang kanyang pananampalataya'y itinuturing na kabanalan. —Roma 4:5
"Magpasakop ka sa Pangino-ong Jesus at maliligtas ka...." —Mga Gawa 16:31
Kung sinasabi ng iyong bi-big na si Jesus ay Panginoon, at sumasampalataya ka sa iyong puso...maliligtas ka. —Roma 10:9
"Ang nagmamahal sa kan-yang ama o ina....(o) anak na lalaki o babae nang higit kaysa Akin, ay hindi karapat-dapat sa Akin.... Ang ayaw magbigay sa Akin ng kanyang buhay ay mawawalan niyaon...." —Mateo 10:37-39
MAY BAGONG BUHAY TAYO KAY JESUS — 35
...Binigyan (tayo ng Dios) ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa Kanyang Anak. Ang taong ki-naroroonan ng Anak ay may buhay, subalit ang hindi kina-roroonan ng Anak ay walang buhay. —Juan 5:11, 12
...Gayon na lamang ang pagmamahal Niya sa atin na kahit na tayo mga patay sa es-piritu ...binuhay Niya tayong muli.... —Efeso 2:4, 5
Napako na ako sa krus na kasama ni Cristo. Hindi na ako ang nabubuhay ngayon, kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin.... —Galacia 2:20
...Ang taong nakay Cristo Jesus ay isa nang bagong ni-lalang.... —2 Corinto 5:17
Gaya ng mga sanggol na ba-gong panganak, kauhawan nin-yo ang dalisay na gatas (ng Salita ng Dios). —1 Pedro 2:2
ANG DIOS AY AMA NG MGA NAKAY CRISTO — 36
...Ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa't Amang aasahan.... O Yahweh... Ikaw'y aming Ama, kami'y parang luwad at Ikaw ang magpapalayok. Ikaw ang lu-mikha sa amin.... —Isaias 63:16; 64:8
"...Ako'y magiging inyong Ama, at kayo'y magiging Aking mga anak," wika ng Pa-nginoong Makapangyarihan sa lahat. —2 Corinto 6:18
"Sa ganitong paraan kayo manalangin: 'Ama naming nasa langit....' Kung kayong masa-sama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa in-yong mga anak, hindi kaya la-long marunong magbigay ang inyong Amang nasa langit?" —Mateo 6:9; 7:11
Ang mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ang siyang mga anak ng Dios. —Roma 8:14
ANG DIOS AY AMA NATIN DAHIL KAY JESUS — 37
"...Ako ang Daan...walang makararating sa Ama malibang sa pamamagitan Ko. Kung ki-lala ninyo Ako, kilala rin ninyo ang Aking Ama. Mula ngayon ay nakikilala na ninyo Siya at nakita na ninyo Siya." —Juan 14:6, 7
...Pinaparito ng Dios ang Kanyang Anak.... (upang) ta-yo'y maging mga anak ng Dios.... at yamang tayo'y Kan-ya nang mga anak...nakatatawag tayo sa Kanya ng "Ama." —Galacia 4:4, 5, 7; 3:26
...Lahat...ng tumanggap sa Kanya ay binigyan Niya ng ka-rapatang maging mga anak ng Dios. Ito ang mga sumampala-taya sa Kanyang pangalan. —Juan 1:12
Dahil sa ginawa ni Cristo, lahat tayo ngayon...ay naka-dudulog sa Dios Ama, sa tulong ng Espiritu Santo. —Efeso 2:18
MGA PAGPAPALANG DULOT NI JESUS — 38
...Ang Dios ay pag-ibig.... Ang namumuhay sa pag-ibig ay namumuhay sa Dios. —1 Juan 4:8, 16
...Magpatawaran kayo, gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Dios alang-alang kay Cristo. —Efeso 4:32
"Sa gayon malalaman ng la-hat ng tao na kayo'y mga ala-gad Ko—kung kayo'y nagma-mahalan." —Juan 13:35
...Yamang pinawalang-sala na tayo...may pakikipagpa-yapa tayo sa Dios.... —Roma 5:1
"Iniiwanan Ko kayo ng ka-payapaan. Ang sarili Kong ka-payapaan.... Huwag kayong ...matakot." —Juan 14:27
...Ang kapayapaan ng Dios... ang siyang mag-iingat sa inyong puso...kay Cristo Jesus. —Filipos 4:7
BABANGON NI JESUS ANG MGA TAGASUNOD NIYA — 39
...Siya na muling bumuhay kay Cristo ang siya ring mag-bibigay ng buhay sa inyong mga katawan.... —Roma 8:11
Sa Kanyang kapangyarihan, ibinangon ng Dios ang Pangi-noon—at ibabangon Niya rin tayo.... —1 Corinto 6:14
Kung paanong lahat ay na-matay dahil kay Adan, lahat naman ay mabubuhay dahil kay Cristo.... Si Cristo muna, at pagkatapos, ang mga kay Cristo naman sa Kanyang pag-babalik. —1 Corinto 15:22, 23
"Ibig ng Ama na magkaroon ng buhay...ang lahat ng... nagpapasakop sa Anak. Ibig Niyang buhayin Ko silang muli sa huling araw." —Juan 6:40
"Ako ang Muling Pagka-buhay at ang Buhay. Ang nagpapasakop sa Akin, baga-mat mamatay ay muling mabu-buhay...." —Juan 11:25
HUWAG PABAYAAN ANG KALIGTASANG ITO — 40
...Kakila-kilabot na parusa ang nakalaan sa taong yumurak sa Anak ng Dios at nagpawa-lang-halaga sa dugo ng kasun-duan... at umalipusta sa ma-pagpalang Espiritu. —Hebreo 10:29
"May ibang hahatol sa taong ayaw tumanggap sa Akin at sa Aking salita—walang iba kun-di ang salitang ipinangaral Ko. Ito ang hahatol sa Kanya sa huling araw." —Juan 12:48
..."Malibang sumampalataya kayong Ako ang Cristo..., mamamatay kayo nang hindi napatatawad...." —Juan 8:24
"...Huwag kayong matakot sa pumapatay sa katawan.... Katakutan ninyo yaong makapagdadala sa inyo sa impiyerno...." —Juan 12:4, 5
...Paano tayong makatatakas kung pawawalan natin ng hala-ga ang dakilang kaligtasang ito...?" —Hebreo 2:3
SI JESU-CRISTO ANG HUHUKOM SA ATIN — 41
"...Nagtakda Siya ng araw para hukumang lahat ang tao sa pamamagitan ng Lalaking hinirang Niya...." —Mga Gawa 17:31
"...Ipinagkatiwala na Niya sa Anak ang lahat ng paghatol. Kaya dapat na igalang ng lahat ang Anak na gaya ng pag-galang nila sa Ama...." —Juan 5:22, 23
...Lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo upang tumanggap ng nararapat na ka-bayaran sa lahat ng ating ginawa.... —2 Corinto 5:10
...Sa araw na iyon ay ha-hatulan ng Dios, sa pamamagi-tan ni Cristo, ang lahat ng li-him ng mga tao. —Roma 2:16
...Sa araw na magpakita na ang Panginoong Jesus mula sa langit.... Gagantihan Niya ang mga hindi nakakakila sa Dios at ayaw magpasakop sa Ebang-helyo.... —2 Tesalonica 1:7, 8
HINDI LAHAT NG NATUTURINGANG CRISTIANO AY TALAGANG KAY CRISTO — 42
Sinasabi nilang kilala nila ang Dios, subalit ikinakaila ni-la Siya sa kanilang mga gawa.—Tito 1:16
Ang taong hindi tinatahanan ng Espiritu ni Cristo ay hindi kay Cristo. —Roma 8:9
"Sa salita lamang Ako igina-galang ng mga taong ito. Suba-lit ang kanilang puso ay ma-layo sa Akin." —Mateo 15:8
"Hindi ahat ng tumatawag sa Akin ng 'Panginoon, Pangi-noon,' ay makapapasok sa la-ngit, kundi ang gumagawa la-mang ng kalooban ng Aking Amang nasa langit...." —Mateo 7:21-23
"Nagbabanal-banalan kayo, subalit sa loob ay puno kayo ng pagkukunwari at kasama-an." —Mateo 23:28
SINUSUNOD SI JESUS NG MGA TUNAY NA CRISTIANO — 43
Matitiyak nating nakikilala natin Siya kung ating sinusu-nod ang Kanyang mga utos. —1 Juan 2:3
...Naging daluyan Siya ng kaligtasan para sa lahat ng su-musunod sa Kanya.... —Hebreo 5:9
...Yamang pinalaya na kayo sa kasalanan, kayo'y mga ali-pin na ngayon ng kabanalan. —Roma 6:18
...Binigyan (tayo) ng ba-gong buhay kay Cristo Jesus para tayo makagawa ng ka-butihan.... —Efeso 2:10
...Mabubuhay kayo kung papatayin ninyo ang mga hilig ng laman, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. —Roma 8:13
"Lumayo sa kasamaan ang sinumang nagsasabing siya'y kay Cristo." —2 Timoteo 2:19
GALIT ANG TAGA-MUNDO SA TUNAY CRISTIANO — 44
A...Alalahanin ninyong Ako muna ang kanilang kinamuhi-an.... Hindi kayo taga-mundo ...kaya namumuhi sa inyo ang mga taga-mundo." —Juan 15:18, 19
"...Magdaranas kayo ng ka-hirapan sa mundo...." —Juan 16:33
"...Kinamuhian sila ng mga taga-mundo dahil hindi sila taga-mundo...." —Juan 17:14
"...Darating ang panahon na iisipin nilang naglilingkod sila sa Dios kung papatayin nila kayo." —Juan 16:2
...Hindi tayo nakikilala ng mga taga-mundo dahil hindi rin nila nakikilala ang Dios. —1 Juan 3:1
Lahat ng nagnanais na ma-muhay nang may kabanalan kay Cristo Jesus ay daranas ng pag-uusig. —2 Timoteo 3:12
MGA PANGAKO PARA SA MGA PINAG-UUSIG — 45
Ilagak ninyo sa Kanya ang lahat ng inyong pangamba, sapagkat mahal kayo sa Kanya. —1 Pedro 5:7
...Masasabi natin nang may lakas ng loob: "Ang Pangino-on ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot...." —Hebreo 13:6
Magagawa ko ang kahit na ano, dahil kay Cristo na siyang nagbibigay sa akin ng kalaka-san.... At Siya...ang magbibi-gay ng lahat ninyong kaila-ngan.... —Filipos 4:13, 19
Kung nilalait kayo ng mga tao alang-alang kay Cristo, mapalad kayo, sapagkat suma-sainyo ang Espiritu.... —1 Pedro 4:14
Susuguin niya ang maraming anghel, sila'ng susubaybay, kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan. —Awit 91:11
TAGUMPAY LABAN SA DIABLO AT KASALANAN — 46
...Hindi hahayaan (ng Dios na) matukso kayo nang higit sa kaya ninyong paglabanan. Sa tuwing darating...ang tukso, gagawa rin Siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo iyon. —1 Corinto 10:13
Kaya dumulog tayong may lakas ng loob sa trono ng mayamang awa ng Dios, upang magkamit tayo ng kahabagan at pagpapalang makatutulong sa atin.... —Hebreo 4:16
...Kailangang ituring nin-yong namatay na rin kayo sa kasalanan at nabubuhay kayo ngayon kay Cristo para sa Dios. —Roma 6:11
...Magpasakop kayo sa Dios. Labanan ninyo ang Dia-blo at tatakbuhan niya kayo. —Santiago 4:7
...Siyang nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa sa nasa mundo. —1 Juan 4:4
TUNAY NA PANALANGIN - PAKIKIPAGINIIG SA DIOS — 47
Yahweh, pagalingin Mo ako, at ako'y lubusang gagaling; sagipin Mo ako, at ako'y ma-liligtas.... —Jeremias 17:14
Lagi kayong manalangin. Lagi kayong magpasalamat... iyan ang nais ng Dios.... —1 Tesalonica 5:17, 18
Kung kapos sa karunungan ang sinuman sa inyo, humingi siya sa Dios...at siya'y bi-bigyan. —Santiago 1:5
"Kung mananatili kayo sa Akin, at mananatili ang Aking mga salita sa inyo, ibibigay sa inyo ang kahit anong hingin ninyo." —Juan 15:7
Ang aking dalangi'y dininig ng Dios; nawala sa akin ang lahat kong takot. —Awit 34:4
...Ipanalangin ninyo ang lahat ng bagay. Idulog ninyo sa Dios nang may pasasalamat ang lahat ninyong panganga-ilangan. —Filipos 4:6
MAGBABALIK SI JESUS -MAGING HANDA KA! — 48
...Ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit.... Ibabangon muna ang mga ma-nanampalatayang namatay na, at pagkatapos, tayo namang nabubuhay pa ay kasama ni-lang aakyat sa mga alapaap upang sumalubong sa Pangi-noon, at makakasama Niya tayo magpakailan man. —1 Tesalonica 4:16, 17
Manatili kayo sa Kanya... upang...sa Kanyang pagdating ay hindi kayo mapahiya kundi makaharap sa Kanya nang may lakas ng loob. —1 Juan 2:28
"Kailangang maging handa rin kayo, sapagkat darating Ako sa oras na hindi ninyo inaasahan." —Lucas 12:40
...Yamang taglay natin ang dakilang pangakong ito...lini-sin natin ang ating sarili sa lahat ng karumihan.... —2 Corinto 7:1
MAGPAKAPUSPOS SA ESPIRITU SANTO
Ang payo Ko ay dinggin n'yo at dinggin ang Aking saway; sasainyo ang (Espiritu) Ko at ang Aking kaalaman. —Kawikaan 1:23
"Kailangang magsisi kayo, at magpabawtismo sa pangalan ni Jesu-Cristo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan. At tatanggapin ninyo ang Espiritu Santo." —Mga Gawa 2:38
Huwag kayong magpaka-lasing sa alak, na nakasasamâ lamang sa inyo. Kundi magpa-kapuspos kayo sa Espiritu Santo. Mag-usapan kayo sa mga salmo, imno at banal na awitin. Umawit kayo ng papuri sa Panginoon nang taos sa puso. Pasalamatan ninyo ang Dios Ama sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Magpasakop kayo sa isa't isa, bilang pagpapa-rangal kay Cristo. —Efeso
http://spiritlessons.com/ 5:18-21
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento